
Duda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na sa bansa nagsanay ang mag-amang suspek sa walang habas na pamamaril sa Bondi Beach, Australia.
Ito ay matapos ang mga ulat na nagpunta umano sa bansa ang dalawa para mag-training.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, naniniwala silang wala nang kakayahan ang mga terorista para magsanay ng large-scale attack sa bansa.
Kaugnay ito sa pinakahuling ulat ng ahensya na nasa 50 indibidwal na lamang ang bilang ng local terrorist groups sa Pilipinas.
Ayon pa kay Padilla, halos isang buwan lang ang itinagal ng dalawang suspek sa Davao at wala silang natanggap na impormasyon tungkol sa naging aktibidad ng dalawa doon.
Gayunpaman, sinabi nito na maayos at mapayapa ang lugar sa Davao.
Facebook Comments









