Wednesday, February 25, 2026

AFP, dumistansya sa mga nagpakilalang aid at bagman ni dating Cong. Zaldy Co

Dumistansya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga nagpakilalang aid at bagman ni dating Cong. Zaldy Co.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, wala na sa serbisyo ang ex-marines na lumantad nang ito ay nagsilibing security detail ng dating kongresista.

Dagdag pa ni Padilla, sakaling magretiro ang isang myembro ng AFP, ito ay kumikilos na sa kanilang personal na kapasidad at hindi na ito sakop pa ng Hukbong Sandatahan.

Binigyang diin-din ni Padilla na ang security detail na isinasagawa ng AFP ay para sa presidente, bise presidente at sa unang pamilya at wala rito ang mga congressman.

Nagpaalala naman si Padilla sa publiko na iberipika muna ang mga kredibilidad ng mga impormasyon bago maniwala.

Tiniyak naman ng AFP na mananatili itong propesyonal, disiplinado at non-partisan at mananatili sa kanilang mandato na depensahan ang soberanya ng bansa at protektahan ang sambayanan.

Facebook Comments