Manila, Philippines – Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila sasantuhin ang anumang grupo na magtatangkang manggulo sa Mindanao.
Ayon kay AFP Spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – mahigpit nilang binabantayan ang mga armadong grupong kumikilos partikular ang Bansamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bahagi ng Maguindanao, Cotabato, Lanao, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Binigyang diin pa ni Padilla na mahalaga ang pagpapairal ng Martial Law sa Mindanao para sa agarang pag-aresto ng mga nasa likod ng kaguluhan.
Siniguro rin ng AFP na maayos ding maipatutupad ang rehabilistasyon sa kanilang lugar.
Facebook Comments