AFP, handang mag-deploy ng assets para sa mga mananakay na maaapektuhan ng tigil-pasada

Nakaantabay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang tumulong sa pagresponde sa epekto ng transport strike sa mga commuter.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Transportation (DOTr) at handang mag-deploy ng assets bilang augmentation sakaling kailanganin.

Sinabi pa ni Padilla na pangunahin nilang layunin ay ang kaligtasan at mobility ng publiko, kaya’t nakahanda silang magbigay ng suporta sa mga hakbang ng pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng transport strike sa mga mananakay.


Una nang nag-alok ng libreng sakay ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng 3 araw na tigil-pasada ng grupong Manibela.

Facebook Comments