Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang buong suporta sa Japan Self-Defense Force (JSDF).
Ito’y makaraang tumama ang magnitude 7.6 na lindol sa Japan kahapon.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., handa silang tumulong sa JSDF kung kakailanganin.
Aniya sa panahon ng krisis, mahalaga ang international cooperation kung kaya’t nakaantabay sila sa anumang pangangailangan ng Japan.
Committed aniya ang AFP na mapatatag pa ang ugnayan ng Pilipinas at Japan lalo pa at isa ang Japan sa maituturing na kaibigan ng bansa at kaisa sa hangarin ng pagsulong ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Kasunod nito, nagpahayag naman ng simpatya si Brawner para sa mga indibidwal na naapektuhan ng
malakas na lindol sa Japan.
Facebook Comments