AFP, handang tumulong sa muling pag-aresto sa mga convict

Handang tumulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na habulin ang mga convict na pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay AFP Public Affairs Chief, Col. Noel Detoyato, maari silang tumulong sa Intelligence Information Gathering at manpower kung kinakailangan.

Nilinaw ni Detoyato na hindi nila pwedeng direktang arestuhin ang mga preso dahil wala silang police power.


Pero suportado nila ang magiging papel ng Philippine National Police (PNP) hinggil dito.

Facebook Comments