AFP, handang tumulong sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 12 hanggang 17 anyos

Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pangasiwaan ang pagbabakuna sa mga batang edad 12 hanggang 17 anyos na naninirahan sa mga kampo militar sa buong bansa.

Sinabi ito ni AFP Public Affairs Office Chief Navy Capt. Jonathan Zata, sakaling aprubahan na ng Department of Health (DOH) ang pediatric vaccination na target simula sa 4th quarter ng taong ito.

Inihalimbawa ni Captain Zata ang pamamahala ng mga barangay official sa loob ng AFP National Headquarters sa pagbabakuna sa mga personnel ng AFP at sa kanilang mga dependent sa pamamagitan ng Camp General Emilio Aguinaldo Station Hospital.


Ganito rin aniya ang ipatutupad nilang hakbang sa iba pang mga kampo ng militar sa buong bansa sa pamamagitan ng kani-kanilang mga station hospital.

Facebook Comments