Monday, February 2, 2026

AFP, hindi makikipaglaro sa pulitika, sa halip tututukan ang pagpoprotekta sa bansa

Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi sila makikipaglaro sa pulitika sa halip ay tututukan ang pagprotekta sa bansa.

Kasunod ito ng naging resulta ng Tugon ng Masa Survey ng OctaReseach kung saan lumalabas na sa 10 Pilipino ay 7 dito ang tutol na mangialam ang AFP sa usapin ng pulitika.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, mas minabuti pa nilang tumutok na lamang sa pangangalaga ng mga Pilipino na kanila ring mandato sa kabila ng mga ingay sa pulitika.

Dagdag pa nya, ang dapat na ginagawa ng ahensiya ay bantayan ang bansa, panatilihin ang kapayapaan at itaguyod ang batas.

Facebook Comments