AFP, hindi na magpapadala ng dagdag na tropa sa Marawi

Marawi City – Pinigilan ni AFP chief of staff general Eduardo Año ang pagpapadala ng karagdagang pwersa ng militar sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Colonel Edgard Arevalo, ganito ang naging nagdesisyon si general Año dahil sa bumubuti nang sitwasyon sa Marawi City.

Isang batalyon sana ng pwersa ng militar na binunuo ng nasa 300 hanggang 500 sundalo ang ipadadala sa Marawi City.


Pero sa ngayon sapat na aniya ang kasalukuyan tropang idineploy sa Marawi City kaya hindi na kakailanganin pa ang dagdag tropa.

Sa ngayon, sa ika-77 araw ng gulo sa Marawi City, 45 sibilyan na ang napatay ng Maute Terrorist Group, 528 ang nasawi sa panig ng Maute, habang 122 namang mga sundalo at pulis ang nagbuwis ng kanilang buhay.

1,728 ng mga sibilyan ang nailigtas ng tropa habang 603 matataas na kalibre ng armas ang nakumpiska ng militar sa Marawi.

Facebook Comments