AFP, hindi nababahala sa presensya ng China sa WPS

Hindi ikinababahala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang presensya ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ni Commodore Roy Vincent Trinidad sa kabila ng mga naitatalang insidente ng panggigipit ng mga barkong pandigma ng China sa mga barko ng Pilipinas sa tuwing magsasagawa ito ng re-supply mission.

Ayon kay Trinidad, nasa 15 hanggang 25 Chinese warships ang nakitang nasa paligid at paikot-ikot sa Mischief Reef malapit sa Ayungin Shoal.


Mayroon ding nasa 200 militia ships na naka-deploy sa paligid ng Mischief Reef.

Magkagayunman, sapat aniya ang mga Naval assets ng pamahalaan para magpatrolya at igiit ang soberanya ng bansa sa nasabing karagatan.

Aniya, handang gumastos ang sandatahan para lang mapanatili ang external security ng Pilipinas at matiyak na malayo ito mula sa anumang tangkang pananakop ng ibang mga bansa.

Facebook Comments