Tumanggi munang magsalita ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung papalawigin ang martial law sa Mindanao.
Kasunod na rin ng insidente ng suicide bombing sa rehiyon.
Ayon kay AFP Spokesperson, Brigadier General Edgard Arevalo – nararapat lamang na palakasin ang pwersa ng militar sa Mindanao.
Aniya, kung nangyari ang pagpapasabog kahit umiiral ang martial law, paano pa kaya ang mangyayari kung wala ito.
Gayunman, nilinaw ni Arevalo na nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang desisyon kung papalawigin pa ang martial law o hindi na.
Matatandaan na sa December 31 ngayong taon nakatakdang magtapos ang batas militar sa Mindanao.
Facebook Comments