AFP, hindi papatulan ang umano’y kasinungalingan ng China higgil sa banggaan ng barko ng Pilipinas at China sa South China Sea

Hindi na papatulan pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y kasinungalingan ng China na nagkaroon ng banggaan sa pagitan ng barko ng Pilipinas at China sa South China Sea.

Bagama’t hindi na idinetalye pa ang isinagawang legal humanitarian rotation and re-supply mission sa Ayungin shoal, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang pangunahing isyu aniya rito ay ang iligal na presensiya at mga aksyon ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Binigyan-diin din nito ang patuloy na agresibong hakbang ng China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea (WPS) ang nagpapataas ng tensyon sa rehiyon.


Sa kabila ng mga hamon, nauna nang iginiit ng AFP ang karapatan ng Pilipinas sa Ayungin shoal at patuloy na tutugunan ang pangangailangan ng mga sundalong naka talaga sa BRP Sierra Madre.

Facebook Comments