AFP, hinimok ang kanilang mga myembro na magparehistro sa Philippine ID system

Hinikayat ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang mga myembro na magparehisto para sa Philippine ID System.

Ayon kay AFP Vice Chief of Staff Lieutenant General Erickson Gloria, maliban sa magsisilbing lehitimong identification document ang pagpaparehistro, makakatulong din ang Philippine ID para malaman ang mga terorista at kriminal na nagtatago sa likod ng mga “false identity”.

Sa ngayon nag-set up ang AFP ng registration center sa Lapu-Lapu Grandstand Sa Camp Aguinaldo para sa mga military personnel, civilian human resource at dependents sa tulong ng Philippine Statistics Authority (PSA).


Kaya nitong makapagrehistro ng 600 hanggang 750 tao kada araw.

Maaring magparehistro ang mga tauhan at dependents ng AFP, Department of National Defense (DND) at mga attached bureaus mula ngayong araw hanggang Agosto 10, kung saan 15,000 ang target na mairehistro.

Facebook Comments