I-aalok na sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng “Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa” program ang mga pabahay na orihinal na nakalaan para sa mga unipormadong tauhan ng pamahalaan.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo Del Rosario, ang National Housing Authority (NHA) ang mbentaryo ng available housing units sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Suportado ng kagawaran ang programa na layuning mapaluwag ang mga congested urbanized cities.
Mahalaga anila ang pantay-pantay na pamamahagi ng oportunidad at resources.
Sa ngayon, mayroong 2,289 housing units ang NHA sa Batangas, Laguna, at Quezon Province para sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.
Matatandaang naglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order na nagtatatag ng programang iminungkahi ni Senator Christopher Lawrence Go.