AFP, humihingi ng dagdag na 5 bilyon para sa Marawi

Marawi City – Humihirit ng dagdag na 5 bilyong pondo ang Armed Forces of the Philippines kung magtutuloy-tuloy pa ang giyera sa Maute Group sa Marawi City.

Sinabi ni House Committee on Defense and National Security Senior Vice Chairman Ruffy Biazon, sponsor ng budget ng Department of National Defense sa kamara, na kung tatagal hanggang sa katapusan ng taon ang sigalot ay kukulangin ang pondo para sa Marawi.

Ayon pa kay Biazon, umabot na sa P2.8B na ang nagagastos ng gobyerno simula nang mag-umpisa ang gulo sa Marawi City.


Pinakamalaking gastos dito ay ang para sa mga bala na nagkakahalaga ng P1.9B.

Para naman sa rehabilitasyon sa marawi, kakailanganin ng P50 Billion para dito.

Pero nilinaw ni Biazon na maari pa itong lumaki depende sa magiging sitwasyon kung huhupa ba o magpapatuloy pa rin ang gyera.

Facebook Comments