AFP, humingi na ng tulong sa Finance Department at Bangko Sentral tungkol sa halos 80 million pesos na halaga ng pera at tsekeng narekober ng militar sa kuta ng Maute Group sa Marawi City

Marawi City, Philippines – Humingi na ng tulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Department of Finance (DOF) gayundin sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para matukoy ang halos 80 milyong pisong pera at tseke na narekober sa kuta ng Maute Group sa Marawi City.

Sa isinagawang Mindanao Hour sa Malakanyang, sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla – inaalam pa rin kung sino ang may-ari ng bahay kung saan nakuha ang mga pera.

Naniniwala ang AFP na madaling matutukoy kung saang bangko nagmula ang pera sa tulong ng banking sector.
DZXL558


Facebook Comments