AFP, humingi na ng tulong sa PNP para imbestigahan ang umano’y nakawan sa mga bahay sa Marawi City

Manila, Philippines – Nagpapatulong na sa Philippine National Police (PNP) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para imbestigahan ang umano’y nakawan sa mga bahay sa Marawi City.

Ayon kay Lt. Col. Joar Herrera, spokesperson ng AFP Joint Task Force Marawi –ilang reklamo na rin mula sa mga nagsilikas na residente ang natanggap nila hinggil sa nakawan.

Itinanggi rin nito na mga sundalo ang nasa likod ng nakawan.


Ayon naman kay Provincial Crisis Management Committee Spokesman Zia Alonto Andiong – naglagay na sila ng legal desk na maaaring lapitan ng mga nanakawan.

Patuloy naman ang clearing operations sa mga safe zone sa Marawi.

Facebook Comments