Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang unti-unting pagpasok ng China sa iba’t ibang sektor sa Pilipinas.
Matapos ang isinagawang command conference ng AFP, kasama si Pangulong Bongbong Marcos sa Camp Aguinaldo kanina, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., na naiimpluwensyahan na ng China ang iba’t ibang sektor sa bansa.
Kasama na rito ang sektor ng edukasyon, negosyo, media, lokal na pamahalaan at iba pa.
Ani Brawner, strategy ng China na magpakalat ng misinformation para magkaroon ng pag-aaway-away o pagkakawatak-watak sa bansa.
Samantala, sinabi ni Brawner na nagpresenta sila kay Pangulong Marcos ng kanilang updated plan for territorial defense bantay Kalayaan.
Kasunod nito, tiniyak ng Sandatahang Lakas ang kanilang pagbabantay sa karagatan, kalayaan at kinabukasan ng bansa.