Manila, Philippines – Idineklara ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang apat na oras na humanitarian ceasefire sa Marawi City para sa pagbibigay tulong sa mga apektadong pamilya at paglikas sa mga naipit sa bakbakan.
Ayon kay Col. Edgard Arevalo ang Public Affairs Chief ng AFP sa interview ng Biserbisyong Leni, mismong si AFP Chief Staff Eduardo Año ang nag-apruba sa nasabing ceasefire mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Hangad kasi ng AFP na maihatid mismo sa mga residente ng Marawi ang tulong at marekober ang mga sugatan maging ang mga labi ng nasawi.
Dagdag pa ni Arevalo, may mga kahilingan din na panatilihin ang ceasefire ng ilang araw subalit hindi nila ito maaprubahan dahil sa bantang panganib sa ibang lugar ng Marawi.
Sa huli, sinabi pa ng opisyal na malaking bagay din ito para maiabot ang tulong sa iba pang resdiente partikular sa mga emergency cases na hindi pa napupuntahan ng mga otoridad.
DZXL558
AFP, idineklara ang ang apat na oras na humanitarian ceasefire sa Marawi City
Facebook Comments