Manila, Philippines – Iginagalang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging desisyon ng Justice Department na palayain ang 59 na hinihinalang miyembro ng Maute na naaresto nila sa isang checkpoint sa Zamboanga.
Sa interview ng RMN kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituo Padilla, aminado siya na kulang ang ebidensya nila para patunayang miyembro ng Maute group ang mga naaresto.
Pero ayon kay Padilla, naniniwala siya na kung hindi sila naaresto ay posibleng napasama talaga sila sa mga terorista.
Facebook Comments