AFP, iginiit na boluntaryo ang pananatili ni Fil-Am activist Chantal Anicoche sa kustodiya ng militar

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatili sa kustodiya ng militar ang Filipino-American activist na si Chantal Anicoche, ngunit iginiit na ito ay batay sa kanyang sariling desisyon.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, nagsagawa si Anicoche ng undertaking na pinirmahan sa harap ng independent lawyer mula sa Integrated Bar of the Philippines, na nagsasaad ng boluntaryo niyang pananatili sa hospital ng militar upang ipagpatuloy ang kanyang medical procedure.

Binibigyang-diin ni Padilla na ito ay kanyang “free will” at mariin nilang tinatanggihan ang mga paratang ng ilang grupo kaugnay sa insidente.

Samantala, nagpapatuloy ang security operations ng militar sa Abra De Ilog upang matiyak ang seguridad ng komunidad.

Facebook Comments