AFP, iginiit na engkwentro ang dahilan nang pagkamatay ng NPA leader na si “Ka Oris”

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasawi sa engkwentro ang mataas na leader ng New People’s Army (NPA) na si Jorge Madlos alyas “Ka Oris”.

Ang pahayag ay ginawa ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, matapos sabihin ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na tinambangan si Ka Oris at walang nangyaring engkwentro.

Giit ni Zagala, lehitimo ang kanilang combat operation.


Inaasahan na raw nila ang gagawing “misdirection” o panlilito ng NPA sa pagkamatay ni Ka Oris lalo pa’t malaking dagok sa kanila ang pagkasawi nito.

Matatandaan na nasawi si Ka Oris sa ikinasang combat operation ng 403rd Brigade nitong October 29, sa Sitio Gabunan, Brgy Dumalaguing, Impasug-ong Bukidnon habang nakikipag-engkwentro sa 30 iba pang NPA.

Si Ka Oris ang sinasabing Commander ng National Operations Command, NPA Spokesperson at miyembro ng Central Committee-Execom.

Facebook Comments