AFP, iginiit na hindi natatapos ang kampanya kontra terorismo kahit patay na ang leader ng ISIS

Hindi pa tapos ang paglaban sa terorismo.

Ito ang iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng pagkumpirma ni US President Donald Trump na patay na ang leader ng Islamic State na si Abu Bakr Al Bagdhadi.

Ayon kay AFP Spokesperson, Brig/Gen. Edgard Arevalo, hindi kasi malayong may pumalit sa kanya agad lalo na at maraming galamay ang mga ito.


Sa kabila aniya ng matagumpay na operasyon ng Estados Unidos Kontra Terorismo, hindi pa rin ito sapat para masugpo ang lokal na terorismo sa bansa.

Naniniwala si Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi natatapos kay baghdadi ang banta ng mga terorismo sa bansa.

Dahil dito, nananatiling naka-high alert ang militar laban sa mga galamay ng ISIS.

Facebook Comments