AFP, iginiit na may malaking gampanin kontra COVID-19

May malaking ginagampanan ang Armed Forces of the Philippines o AFP para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19) na idineklara na bilang pandemic.

Pahayag ito ni AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo sa harap ng mga batikos na tila Martial Law na ang nangyayari sa ipinatutupad community quarantine.

Aniya, ang AFP kasama ang Philippine National Police (PNP) ay bahagi ng gobyerno na tumutulong para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Naka-deploy, aniya, ang mga sundalo na may mahigpit na koordinasyon sa Department of Health o DOH,  ilan sa mga sundalong ito ay military doctors, military nurses at aid men armed na may mga health at diagnostic equipment na nakasakay sa mga ambulansya.

Sa huli, giit pa ni Arevalo nakasaad sa konstitusyon na mandato ng AFP na protektahan ang mga Pilipino at Estado katulad na lamang nang kanilang ginagawang pagbabantay ngayon sa buong Metro Manila para hindi kumalat pa ang COVID-19.

Facebook Comments