AFP, iginiit na tanging pulis at sundalo lamang ang dapat na humawak ng armas sa pagsasagawa ng security operations

Manila, Philippines – Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines na tanging ang mga sundalo at pulis lamang ang maaring humawak ng armas para magsagawa ng security operations.

 

Ito ay sa harap ng naging pahayag ni dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo na idinidepensa lamang aniya ng mga miyembro ng New People’s Army ang kanilang mga sarili laban sa militar kaya humahawak din sila ng armas.

 

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, kahit saan mang anggulo tingnan, maituturing aniyang karahasan at labag sa batas ang mga aktibidad na ginagawa ng npa gamit ang mga armas na iligal nilang nakuha.

 

Duda naman si Padilla sa motibo ng paggiit ng CPP-NPA-NDF na muling magdeklara ito ng unilateral ceasefire ngayong Abril.

 

Naniniwala si Padilla na gagamitin lang ng NPA ang pagkakataong ito para makapag rekrut sila ng mga dagdag na miyembro o kasapi dahil napupuruhan na ang mga ito sa sunud-sunod na opensiba ng militar.



Facebook Comments