AFP, ikinatuwa ang desisyon ng Pangulo na huwag magdeklara ng tigil-putukan sa CPP-NPA

Nagpapasalamat ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang Commander-in-Chief na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos na tanggapin ng Pangulo ang kanilang rekomendasyon na huwag magdeklara ng tigil putukan sa mga myembro ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo na ikinatutuwa nila ang anunsyo ng Pangulo.


Pero paliwanag niya, hindi naman ibig sabihin na ayaw nila ng holiday ceasefire, ayaw nila ng kapayapaan.

Ang totoo aniya, ang gusto nila ay pangmatagalang kapayapaan na makakamit lang oras na maging totoo na ang NPA sa pagtupad ng kasunduan at mapagkakatiwalaan.

Una nang inihayag ni Arevalo na batay sa kanilang karanasan, sinasamantala ng mga terorista ang holiday ceasefire at ginagamit ang pagkakataon para atakehin ang mga sundalo na nagsasagawa ng humanitarian at peace and development missions.

Bukod dito, tuloy pa rin ang mga terorista sa pangingikil at paggawa ng krimen tulad ng pagpatay at panununog.

Ginagamit din daw ng CPP-NPA ang peace talks para makapag-regroup, at makapag-recruit ng mga bagong miyembro.

Facebook Comments