AFP, inaalam pa kung totoo ang impormasyon na inilabas ng ASG na pupugutan ang hawak na bihag

Manila, Philippines – Inaalam na ng Armed Forces of the Philippines kung totoo ang impormasyong inilabas ng Abu Sayyaf Group na pupugutan nila ang kanilang dalawang bihag na Vietnamese.

Ayon sa source ng RMN sa Sulu, alas dos hanggang alas kwatro ng hapon kahapon ay pupugutan ang dalawa sa dyudangan, brgy buhanginan, Patikul, Sulu kung hindi magiging maayos ang resulta ng negosasyon.

Sinabi pa ng source na pinamumunuan ni ASG Subleader Hajan Sawadjaan, Almujer Yadah at Ben Yadah ang pagplano ng pamumugot sa dalawang kidnap victim.


Sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Marine Col. Edgard Arevalo, makikipag-ugnayan sila ngayon sa intelligence personnel nila sa Sulu para makumpirma ang impormasyon.

Sa ngayon ayon kay Arevalo sa huling bilang ng militar mayroong 25 bihag ang ASG.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments