AFP, iniimbestigahan na ang pagbagsak ng bahagi ng kisame sa Camp Aguinaldo Golf Course

Iniimbestigahan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbagsak ng bahagi ng kisama sa Golf Course ng Camp Aguinaldo noong Disyembre 17.

Ayon sa ulat, nagpapatuloy ang maintenance activites sa lugar nang bumagksak ang nasabing bahagi ng kisame.

Kaugnay nito, wala namang naitalang nasugatan sa nasabing pagbagsak.

Samantala, sinecure naman ng ahensya ang lugar upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, habang patuloy na inaalam ang dahilan ng pagbagsak ng kisame.

Sa ngayon ay sinusuri din ang bahagi ng gusali na nasira dahil sa insidente upang maisaayos alinsunod sa mga umiiral na mga polisiya.

Facebook Comments