Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay ng parangal sa mga sundalong nasawi at sugatan sa pagbagsak ng C-130 aircraft sa Patikul, Sulu kamakalawa.
Para kay Sobejana, ito ay pagkilala sa katapangan, kagitingan at dedikasyon ng mga sundalo sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Si Pangulong Duterte ay sinamahan ni Gen. Sobejana at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagbisita sa mga sugatan sa Camp Navarro General Hospital sa Western Mindanao Headquarters sa Zamboanga.
Iginawad ng pangulo ang Order of Lapu-Lapu with the Rank of Kampilan sa mga sundalong wounded in action.
Ang Order of Lapu-Lapu with the Rank of Kalasag, ay iginawad naman ng pangulo sa mga killed in action, sa isang symbolic ceremony sa Naval Forces Western Mindanao (NAVFORWEM).
49 na sundalo ang nasawi at 47 ang sugatan nang mag-over shoot ang eroplano sa runway habang palapag ito sa airport sa Sulu.