AFP, irerespeto ang magiging desisyon ng korte hinggil sa kustodiya ni Quibuloy

Tatalima ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa magiging kautusan ng korte kaugnay sa hiling na paglilipat ng kustodiya ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, handa ang mga pasilidad ng AFP na pwedeng pagdalhan kay Quibuloy kung sakaling ililipat ito sa kanilang kustodiya.

Kahapon naghain sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 159 ang Department of National Defense (DND) ng mosyon para tutulan ang paglipat sa kustodiya ni Quibuloy sa AFP.


Bukas naman ay maghahain din ng kaparehong mosyon ang DND sa Quezon Ctiy RTC Branch 106 kung saan nakasampa ang kasong Child abuse laban kina Quiboloy.

Una ng sinabi ng DND ang mga pasilidad sa AFP ay may mahigpit na operational security protocols, kaya’t hindi angkop na ikustodiya ang mga suspek na nasasangkot sa anumang heinous crimes.

Facebook Comments