Bilang paghahanda sa halalan 2022, itataas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang alerto sa araw ng Biyernes.
Ito ay ayon kay AFP Chief of Staff General Andres Centino sa ikaapat na Commission on Elections (COMELEC) Command Conference na ginanap sa Camp Crame.
Ani Centino, naisaayos na nila ang kanilang plano at nai-setup na rin ang kanilang monitoring command centers.
Layunin din ng pagtataas ng alerto na maihanda ang kanilang mga tauhan para sa kanilang pagbabantay sa Lunes, Mayo 9.
Facebook Comments