Manila, Philippines – Pinabubulaanan ng Armed Forces of the Philippines ang naging pahayag ng mga nagpanggap na kinatawan umano ng AFP at PNP sa grupong Patriotic And Democratic Movement o PADEM na nais patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, suportado ng buong AFP kasama ang mga civilian employees ang Pangulong Duterte.
Aniya, namumulitika lamang daw ang grupong ito at hindi dapat paniwalaan.
Panawagan pa ni Padilla sa publiko, huwag magpapagamit sa grupong ito.
Mas maigi aniyang hintayin ang desisyon ng korte sa mga ibinabatong isyu sa Pangulo at anak nito.
Ilan rito ang isyu ng extra judicial killings dahil sa war on drugs at pagkakasangkot umano ni Paolo Duterte sa smuggling.
Facebook Comments