Matagumpay para sa Armed Forces of the Philippines (WPS) ang taong 2024.
Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ito’y sa kabila ng agresyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Aniya, hindi nagpatinag ang Sandatahang Lakas at natupad ang kanilang mandato na protektahan ang teritoryo ng bansa, hindi lamang sa West Philippine Sea kundi pati na rin sa Northern Islands at maging Eastern Seaboard.
Samantala, magsasagawa naman ng annual analysis ang AFP sa kung gaano karaming harassments ang ginawa ng China.
Umaasa ang AFP na mas marami pa silang accomplishments na magagawa pagdating ng 2025.
Facebook Comments