AFP, itinuturing pa ring banta ang teroristang grupo kahit konti na lang sila

Manila, Philippines – Hindi minamaliit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kakayahan ng mga natitirang miyembro ng Maute Group sa Marawi City.

Sa Minda Hour kanina, sinabi ni AFP Spokesperson Brig.Gen. Restituto Padilla na kahit kumokonti na ang bilang ng kalaban, maituturing pa rin silang mga banta.

Nabatid na nasa 80 hanggang 100 Maute members na lang ang tinutugis ng tropa ng gobyerno kung saan kabilang rito ang mga batang bihag o mismong mga anak ng mga terorista.


Kasabay nito, binigyang-diin din ni Padilla ang kahalagahan ng kooperasyon ng publiko sa pagpapanatili sa seguridad ng bansa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments