AFP Joint Exercise DAGIT-PA 2021, pormal nang natapos kahapon

Natapos na kahapon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Exercise DAGIT-PA o AJEX DAGIT-PA 2021 sa Camp Aguinaldo na pinangunahan ni AFP Chief of staff Lieutenant General Andres Centino.

Ang AJEX DAGIT-PA ngayong taon ay nilahukan ng 1,492 active personnel at 92 reservist mula sa lahat ng major services.

Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay ay ang Cyber Defense Exercise sa Camp Aguinaldo, Air Detection at Interception sa Pasay City, Live Fire Exercise at Urban Operations sa Capiz, Maritime Operations sa Panay at Amphibious Operations sa Antique.


Ito rin ang unang pagkakataon na karamihan sa mga aktibidad para sa AJEX-DAGIT PA ay ginanap sa labas ng Luzon.

Idineploy rin ang iba’t ibang asset ng Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy kasama ang Philippine Marines para masubukan ang kanilang inter-operability.

Iginiit ni Centino na sa tagumpay ng AJEX-DAGIT PA ay walang duda na nakamit ng AFP ang mas mataas na antas ng kakayahan sa tulong na rin ng mga bago at modernong kagamitan.

Facebook Comments