AFP Joint Exercise Dagit-PA sinimulan na, 1,500 na sundalo lumalahok sa pagsasanay

Pormal nang binuksan ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang  DAGIT-PA o Dagat Langit at Lupa joint exercise kaninang umaga sa AFP Education Training and Doctrine Command sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

 

Ayon ay Capt. Rhyan Batchar ang tagapagsalita ng AJEX DAGIT- PA Isang libo at limang daang sundalo mula sa  Philippine Navy, Philippine Air Force at Philippine Army ang lumalahok sa pagsasanay na magtatagal hanggang sa Sept 27.

 

Paliwanag ni Capt. Batchar ginawa ang Dagat Langit Lupa joint exercise ay  upang mapa angat pa ang interoperability ng mga sundalong lalahok sa pagsasanay.


 

Ang mga kasaling sundalo ay mula sa  AFP’s Special Operations Forces, Cyber Group, at Reservists.

 

Gagawin ang Air o Maritime Interdiction Operation sa Palawan; Amphibious Landing sa Zambales; Airfield Seizure and Military Operations sa Urban Terrain ng Nueva Ecija; at  Combined Arms Live Fire Exercise na gagawin sa  Tarlac.

Facebook Comments