AFP Joint Task Force NCR, nakahanda na rin sa pagbibigay ng seguridad sa Kapistahan ng Itim na Nazareno

Nakahanda na ang nga tropa ng Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tulungan ang mahigit 27,000 pulis na idedeploy simula ngayong araw sa Maynila para sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno bukas.

Ayon kay JTF-NCR Spokesperson 1Lt. Arrianne Bichara, dahil sa kanselado ang tradisyonal na parada o traslasyon sa taong ito, tututukan ng kanilang tropa ang mga aktibidad na nakasentro sa Novena mass sa Quiapo Church; San Sebastian Church; Nazarene Catholic School; at Sta Cruz Church.

Partikular aniya na tropa na tutulong ay mga sundalo mula sa Army, Navy, Marines at Airforce na magpapatupad ng Stability and Security Operations (SASO) sa mga nasabing lugar.


Samantala, kahapon, una nang nagbigay ang Philippine National Police (PNP) ng 12 paalala at ipinagbabawal para sa mga debotong dadalo sa okasyon dahil na rin sa nararanasang COVID -19 pandemic.

Ilan dito ay bawal ang walang suot na face mask at faceshield, mahigpit na ipatutupad ang physical distancing at bawal ang mga batang may edad na 15 at pababa at may mga edad 65 pataas.

Facebook Comments