Wednesday, March 25, 2026

AFP, kaisa ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga polisiya kasunod ng deklarasyon ng State of National Energy Emergency

Kaisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga polisiya kasunod ng deklarasyon ng State of National Energy Emergency.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, hindi man ang Department of National Defense (DND) ang direktang inatasan sa pagpapatupad ng nasabing comittee ay mandato pa rin nila na tiyakin ang seguridad ng enerhiya, katatagan at kapakanan ng mga mamamayan.

Kaugnay nito ay nagpahayag ng suporta ang AFP sa mga magiging inisyatiba ng pamahalaan sa pagtugon sa nangyayaring sitwasyon.

Nananatili namang nakahanda ang hukbong sandatahan na magbigay ng assistance kung kinakailangan habang naka-standby ang pwersa ng militar para sa pagbibigay ng proteksyon sa mga imprastraktuta, logistics at transportasyon ng mga essential goods, engineering support, at mabilis na response operations, particular na sa mga bulnerable o malalayong mga lugar.

Facebook Comments