
Kinilala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang Most Trusted And Best Performing Government Institutions base sa naging resulta ng 3rd Quarter 2025 ng Tugon ng Masa (TNM) Nationwide Survey ng OCTAResearch.
Ayon sa datos, 73 % ng mga Pilipino ay nagtitiwala sa AFP at kontento sa performance ng nasabing ahensya.
Kung saan nakakuha ito ng mataas na ratings sa NCR at Mindanao lalo na sa rehiyon ng BARMM, MIMAROPA, Caraga, at ng Zamboanga Peninsula.
Bukod dito, mataas din ang kumpiyansa ng mga katutubong komunidad sa AFP dahil sa datos 79% sa mga ito ay nagpahayag ng tiwala at 75% naman dito ang naiulat na satisfied sa mga ginagawa ng nasabing ahensya lalo na sa naging presensya nito sa peace and order operations, humanitarian assistance, at local engagement programs.
Kaugnay nito, 78% naman ng mga Pilipino ang naniniwala sa kapasidad ng AFP sa pagdepensa sa mga banta sa bansa lalo na sa usapin sa West Philippine Sea.
Ang nasabing nationwide survey na isinagawa ng Octareseach ay kinalap mula September 15 to 30 taong kasalukuyan.









