Mariing kinokondena na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawang pagharang ng China Coast Guard sa kanilang chartered supply boat.
Sa inilabas na pahayag ng AFP, bukod sa iligal na ginawang pambomba ng mga water cannon naging marahas ang hakbang ng China Coast Guard sa kanilang chartered supply boat.
Iginiit pa ng AFP na hindi rin nirespeto ng China Coast Guard ang batas at karapatan sa paglalayag.
Dahil dito, hindi na nakarating pa ang ikalawang bangka ng AFP na maghahatid ng mga suplay bilang bahagi ng rotation and resupply (RoRe) mission.
Kaugnay nito, umaasa ang AFP na papanagutin ng China Coast Guard at ng Central Military Commission ang mga responsable sa insidente.
Facebook Comments