AFP, kinondena ang kumakalat na video call nina ex House Speaker Romuladez, ex-Rep. Co at AFP chief of staff Brawner patungkol sa pagtaas ng subsistence allowance ng kasundaluhan

Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kumakalat na video call noong 2024 nina dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, dating Appropriations Chair Elizaldy Co, at AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., patungkol sa pagtaas ng subsistence allowance ng kasundaluhan.

Ayon sa AFP, ang nasabing lumang clip ay ginagamit ngayon ng mga nag-uusig ng destabilisasyon para sabihin na ang ahensiya ay nababayaran at nakokontrol .

Kaugnay nito, nilinaw ng AFP na ang kumakalat na video ay kuha noong tinalakay at inaprubahan ng Kongreso ang matagal nang request na pagtaas sa subsistence allowance ng mga sundalo, mula sa ₱150 patungong ₱350.

Kung saan ang nasabing request ay isang repormang inisyuhan mismo noong December 2023.

Ayon sa AFP, sa direktiba ng pangulo, nakipag-ugnayan ito sa Kongreso sa pamamagitan ni Ilocos 1st District Representative Sandro Marcos, kasama sina Co at Romualdez, upang maisama ang pondo sa 2025 national budget.

Dagdag pa nila, ang katapatan nila ay sa Konstitusyon at hindi nadidiktahan ng kahit na sinong personalidad sa pulitika.

Samantala, binigyang-diin ng AFP na ang pagtaas ng nasabing allowance ay nakuha ng mga military personnel para sa mga sakripisyong inilaan nito.

Facebook Comments