Monday, January 19, 2026

AFP, kinondena ang mga kumakalat na post patungkol sa political backing ng mga opisyal sa hanay nito

Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kumakalat na social media posts at online content na naglalaman ng maling impormasyon, gaya ng umano’y dibisyon sa hanay ng militar, political realignments, o mga pahayag na nagmumungkahing may mga opisyal na nagbibigay ng suporta sa mga political personality.

Ayon sa AFP, ang nasabing mga naratibo ay fake news at nagdadala lamang ng maling impormasyon na nagdudulot ng pagkalito, pagkawala ng tiwala, at dibisyon sa pagitan ng militar at ng taumbayan.

Dahil dito, nilinaw ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na mananatili silang nagkakaisa, propesyonal, non-partisan, at tapat sa Konstitusyon at sa taumbayan, hindi sa kahit na sinong personalidad o agenda.

Kaugnay nito, nagpaalala naman ang AFP sa publiko na maging vigilant at beripikahin ang mga impormasyon mula sa mga official sources, pati na rin ang pag-iwas sa pag-share ng mga hindi beripikadong impormasyon sa social media.

Facebook Comments