AFP, kinumpirma ang presensya ng Chinese carrier strike group sa Philippine Sea

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines ang presensya ng aircraft carrier ng People’s Liberation Army Navy ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, nakababahala ang presensya ng nasabing Chinese carrier strike group sa karagatan ng Pilipinas.

Kasunod nito, binigyang diin ni Padilla ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan gayundin ang katatagan sa rehiyon at hinikayat nito ang lahat ng partido na sundin ang international law partikular na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNLCOS).


Kasunod nito, tiniyak ni Padilla na mananatiling committed ang AFP sa pagtitiyak ng seguridad sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ang pahayag ni Padilla ay kasunod ng ulat na ipinadala ng China ang kanilang PLAN Shandong Carrier Strike Group para sa kauna-unahang operasyon nito sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Facebook Comments