AFP, kinumpirma may bihag na hawak ang BIFF matapos ang pag-atake sa Cotabato

Cotabato – Kinumpirma ni AFP 6th Infantry Division Spokesperson Capt. Arvin Encinas na may hawak na bihag ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter.

Matapos ang ginawa nilang pag-atake sa Barangay Malagakit sa Pigkawayan, North Cotabato kaninang umaga.

Pero hindi niya makumpirma ang bilang na bihag ngayon ng BIFF.


Batay aniya sa impormasyong nakuha nila sa civilian sector sa lugar labing dalawa raw ang bitbit ng mga bandido.

Sa ngayon, ayon kay Encinas tuloy-tuloy ang kanilang ginagawa pursuit operation laban sa mga BIFF upang mailigtas ang mga bihag.

Isang CAFGU, naman ang naitalang sugatan sa pag-atake ng BIFF sa lugar.

Sa ngayon may nangyayaring manaka-nakang putukan sa Barangay Malagakit sa Pigkawayan, North Cotabato.

Facebook Comments