AFP, kinumpirmang apat na tauhan ng Philippine Air Force ang nasawi sa helicopter crash sa Cauayan, Isabela kagabi

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na apat na tauhan ng Philippine Air Force ang nasawi sa helicopter crash sa Cauayan, Isabela kagabi.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, ang mga nasawi ay dalawang piloto, isang officer at isang aircrew habang isang airman naman ang patuloy na ginagamot.

Sa ngayon, pinapaalam muna sa pamilya ng mga biktima ang nangyari bago isapubliko ang kanilang pangalan.


Sinabi naman ni Arevalo na nagsasagawa ng proficiency training para sa night flying ang limang airforce personnel nang mangyari ang trahedya.

Nagluluksa at nagpaabot naman ng pakikiramay ang AFP sa pamilya ng apat na nasawing tauhan ng Philippine Air Force.

Tiniyak naman ni AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr. na mabibigyan ng tulong at suporta ang mga naulilang pamilya.

Facebook Comments