
Mag-aalay ng payak na pagdiriwang ng Pasko ang Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang pakikiisa sa mga sinalanta ng kalamidad at katiwalian sa pamahalaan.
Matatandaan na sunod-sunod na bagyo at malalakas na lindol ang naranasan sa iba’t-ibang parte ng bansa na nakaapekto sa maraming Pilipino.
Ibig sabihin ng payak, ay walang aasahang magarbong pagdiriwang ng Pasko sa buong hanay ng Sandatahang Lakas para sa taong ito.
Sa isinagawang flag raising ceremony gayundin ang send-off para mga delegado ng 33rd Southeast Asian (SEA) Games, inanunsyo ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na simpleng programa lamang ang kanilang isasagawa.
Kung saan sabay na rin nilang ipagdiriwang ang Pasko at ang kanilang ika-90 anibersaryo .
Doon ay magbibigay sila ng parangal sa mga natatanging “Kawal ng Bayan” at magsasalo-salo sa isang boodle fight.
Ayon pa kay AFP chief, maaari namang magsagawa ng sariling salo-salo ang mga tanggapan pero hindi na ito pagiisahin bilang bahagi ng pagtitipid.









