Naghahanda na rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na July 22, 2024.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, bahagi ang AFP ng task force na siyang nangangasiwa sa kapayapaan at seguridad ng ikatlong SONA ng pangulo.
Ani Padilla, magpapadala sila ng mga karagdagang sundalo o augmentation kung kinakailangan.
Aniya, taon-taon naman ay kabilang ang AFP sa Joint Task Force National Capital Region (NCR) na nagbibigay seguridad sa SONA.
Sa panig ng NCRPO, nasa 22,000 mga pulis ang kanilang ipapakalat.
Karamihan dito ay ide-deploy sa Batasang Pambansa, places of convergence ng mga magkikilos-protesta at ilang key areas ng Metro Manila.