AFP, magtatatag ng bagong military hospital

Sa layuning paghusayin pa ang health and medical services ng mga kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Magtatayo ng bagong three-storey hospital building para sa mga militar sa Quezon province.

Kasunod nito, pinangunahan ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro ang groundbreaking ceremony para sa nasabing bagong gusali sa Camp General Nakar Headquarters sa Lucena, Quezon.


Kapag ito’y natapos na, magkakaroon ito ng 25-bed capacity na mayroong capability ng level 1 hospital na pwedeng kumalinga sa in-patient, out-patient, emergency, at ancillary services.

Ang nasabing proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan nang pinagsanib pwersang Department of National Defense (DND) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamamagitan ng Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) program.

Facebook Comments