Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahalaga ang magiging papel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa whole-of-nation approach sa pagpapanatili ng internal security sa local levels.
Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na importante ito para mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at kaunlaran sa kanayunan.
Binigyang diin ng Pangulo ang pagpapatupad ng barangay development program.
Ipinagmalaki rin ni Pangulong Duterte na walang pag-abuso sa mga sibilyan ang nangyari nang ipatupad niya ang Martial Law sa Mindanao.
Nabatid na ipinatupad ang Batas Militar sa Mindanao noong Mayo 2017 matapos lusubin ng Maute Group ang Marawi City at natapos nitong December 31, 2019.
Ang state of national emergency hinggil sa lawless violence ay nananatili sa Mindanao kahit binawi na ang Martial Law sa rehiyon.