Thursday, February 5, 2026

AFP, mananatiling non-partisan sa gitna ng impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mananatili silang non-partisan at propesyunal sa gitna ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, hindi makikisali sa anumang isyung politikal ang ahensya bagkus ay ipagpapatuloy lang nito ang pagfocus sa mandato ng konstitusyon.

Dagdag pa nya, hahayaan nila ang nasabing usapin sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan.

Ayon pa kay Padilla, sa ngayon nagtitiwala sila sa democratic process para sa nasabing isyu.

Facebook Comments